Loading…

 

Kung parang ‘WALA NA AYOKO NA’ ang drama mo sa Buhay.

 

GUARD YOUR HEART…

 

Merong mga taong they think na useless yung paghihintay nila kaya ayun they end up hurting their hearts. It’s understandable; tagal mo naghintay eh and at this very moment naghihintay ka pa rin, but what the heck kelangan natin maghintay… It’s for our own good. We have to wait in order for us to find the perfect one.

 

That person is out there. Do not lose hope…

 

There are times na parang ‘Oh my Lord grabe naman sana siya na lang.’ Let’s admit it, baka kasi that person is good looking, maybe that person is mabait or maybe that person is the one that we always dreamt of.

 

HECK!

 

Uso nga diba yung kasabihan na yung taong para sa’tin is different dun sa taong pinapangarap natin but instead of regrets matutuwa na lang tayo kasi all the while pala siya talaga yung taong pinapangarap natin. Weird??? It is pero yun  naman talaga pag umiibig -def. pagibig; verb?! not sure…

 

Mas maganda pa din diba yung scene na hindi natin inaakala na dun mo siya makikita, again love happens in a most unusual way, malay mo pag-labas ng office your true love is there waiting across the street… O pag-akyat mo ng MRT kumain ka ng kwek-kwek your true love just passed by… Nagkatinginan kayo and [sparks] love happens… O di naman kaya sa loob ng train. Inaantok ka… Napasandal yung ulo mo sa balikat niya [tsining] love happens.

 

Just believe in right timing peepz… I do believe that there is a RIGHT TIME at the RIGHT PLACE with the PERFECT PERSON… Diba naman?!

 

It is really a good feeling to fall in love pero diba mas good siya if you know that you are in love with a person you were supposed to be in love with until the last day of our existence….

 

That’s good

Advertisements

INLABABO KA ANAK??!

Kung pa’no nagsimula… Di ko alam.

 

Kung saan at paano magtatapos mas lalong wala akong ideya…

Dumating lang siya, walang pasabi… walang pahaging basta eto na siya, ‘yon ang kwento….

Kakaiba ang kwento mas lalong kakaiba ang pagkakakuwento…

 

MAGULO [parang ako…]

 

NAGUGULUHAN [malamang ikaw…]

 

Nagsimula siya sa una…

 

Ando’n siya sa may gilid eh… Hindi ko intensiyon na lapitan siya pero sinaniban ng kung sinong anak ng diablo ang paa ko…

Hindi ko inasahan na papunta ako kung sa’n siya naroon…

 

[parang KUNYARI hindi ko alam… whattaheck]

 

Ngumiti siya…

[tingininginging…]

 

-‘Nak ng tipaklong walang ganyanan mahina ang resistensiya ko sa mga ganyang bagay…-

 

Gaya ng inaasahan simula pa lang ng unang beses na nahawa ako sa katangahan ng Orchids -para lang may masisi… kung bakit Orchids? si Jun Lozada lang ang nakakaalam- na adik na ko sa kanya…

Without me knowing it; BISYO ko na siya…

Ayokong masobrahan dahil alam ko naman na lalo lang ako mahu-hook…

Ayokong bawasan dahil kulang ang daily doze ko…

Ayoko rin namang sakto… Kasi PATAY GUTOM ako…

 

Hindi ko maintindihan… Mas magulo pa sa paraan ng pagkain ng paa ng manok…

 

“Kelangan ko’ng tumigil…” walang ibang paraan… exit strategy na naman…

 

PA’NO?

Wala akong ideya…

Makakatulong kaya kung irerenovate ko ang bahay ng langgam???

Eto na nga ba yun eh, sabi ko na… Anak talaga ng sea urchins… Binalaan na kita, nakinig ka ba???

 

GINUSTO KO RIN NAMAN…KAHIT KONTI…

Masarap din kasing minsan na may titingnan ka sa malayo pero hanggang dun na lang yun…  Malaman o hindi WALA LANG ‘keyr ko???‘…

 

Nagdaan ang mga araw… -at lalong naligaw na ang bituka ko…-

 

UNCONTROLLABLE ISSUE na ito…

Hindi na madadaan ng troubleshooting…

Lalong hindi mauuto gamit ang credit…

 

Kumbaga Sup Call na ito!!!

 

TULONG!!!

saklap mo kapalaraan!!!

Para sa impormasyon ng lahat umiwas din ako… konti

 

Wala eh… Nung namiyaya ang Poong maykapal ng kaMALASAN kasalukuyan akong nasa labas at may dalang pang-salop [take note: Nag-takeout ako para sa ikaliligaya ng masaklap na kapalaran ng masaklap na buhay pagibig  ko]… Kaya iyon kulang pa sa MAJOR MAJOR ang kamalasan ko araw-araw…

 

SAKLAP…tsk tsk tsk

Sa pagpapatuloy… Bawat araw lalong lumalala ang kalagayan ko… kumabaga sa  kalagayan ng pasiyente muli na lamang nabuhay at sa kasalukuyan eh handa na muling mamatay… [tanggap na ang masaklap na kaatotohanan]

 

Pero sa tingin ko… May pag-asa!!!

 

Tumitingin siya… pero hanggang dun lang…

 

MERON BA?!

 

oo wala… wala… wala

 

sinubukan ko ulit umiwas pero anak ng makahiya hindi talaga… Nung pinagbubuntis ata siya ng Nanay niya hobby ng nanay niyang ngatain ang magnet… So attractive kasi eh.

 

So ayun na nga… umiwas ako.

 

Sa kakaiwas di ko na namalayan na parang lau na pala ng distance namin…

 

Parang Edsa at Baclaran.

 

[at least… may improvement]

 

Isang araw -makalipas ang mga patagong sulyap at mga nakaw na tingin…- may nangyari…

 

[tinuninuninuninunghikhik]

 

Lumisan siya… Kung sa’ng lugar patungo… wala akong ideya.

 

Kung sa anong kadahilanan? wala akong ideya…

 

Kaya naman tumumbling, nag-cart wheel, gumapang at nag bungee jumping ang sistema ko…

 

AYUN THE END…

 

P.S

Ngayon ok naman ako Inay… Sinusubukan bumangon sa bawat umaga… Pinipilit ngumiti kahit na sa likod ng mga ngiti ay may kirot…

 

 

 

at higit sa lahat nagiinarte sa BLOG ko… Pahingi na lang ng pambaon…

 

sumasainyo;

 

kamotmadamot

 

 

LABLAYP… [iwas!!!]

 

Ano ba talaga yan? sino ba ang makapagsasabi kung ano ba talaga siya or rather, what the heck that word is for?..

 

Merong mga taong halos half their lives they waited for this thing to come knocking on their doors, when it comes aligaga sila’ng papasukin ‘to only to find out na hindi pala siya permanent… Sad but true. Yung iba they will mourn for a while and after that they will stand and wait for another love to come… They are good.

But there were others na sobra silang nasaktan that they do not even intend to wait for another one… That’s preety much understandable, nasaktan ka… Pero think about it hindi lang naman ikaw ang nasasaktan at hindi lang din ikaw ang masasaktan… Ang daming tao sa mundo…

 

MARAMING MAKAKAINTINDI SAYO…

 

Pero hanggang dun na lang yun kung hindi mo iintindihin ang napaka-simpleng bagay na lahat naman eh nasasaktan kahit sila pa ang pinaka-firm na tao sa mundo every once in a while may mga bagay na nakakapagpaluha sa kanila… Believe me.

Wala namang nagsabing madaling mahanap si pagibig eh… At wala ding nag-claim na nahanap nila si pagibig ng gano’n-gano’n lang… Parang sa diamond lang yan eh hahanapin mo siya, once na nakita mo na siya hindi naman siya kaagad na diamond kelangan mo’ng maghirap but after no’n it’s worth it naman diba???

 

Yun lang naman yun eh si Papa God nagsave siya sa’tin ng taong talagang para sa’tin kung matatagalan that only means na sobra ang preparation ni Papa God sa taong to para sa’tin; ‘WE ONLY DESERVE THE BEST’ nga diba that only means na kapag nakita mo na siya everything will going to be perfect kasi major major na time ang inispent ni Papa God para sa kanya…

 

Don’t think na hindi mo na kaya because rest assured na yung taong para sa’yo eh nandiyan lang… You are both under the same sky, you are both sharing the same air malapit lang siya and that person is waiting for you as well…

Isn’t it good to know na after nung sobrang tagal mo’ng paghihintay makikita mo siya and everything about that person is just so perfect even his/her imperfection only make’s him/her perfect kasi kasama mo siya… At kapag hinawakan mo yung kamay niya the spaces between his/her fingers is where yours feel fit PERFECTLY… Yung after ng sobrang tagal na paghihintay malalaman mo’ng it is all worth it, the long wait is over and it is all worth it cause right now you are sitting next to that person holding his/her hand and enjoying the view of the sun rise and feeling sleepy in his/her shoulder…

 

Another good thing is like after the long time of waiting finally masasabi mo na din that I LOVE YOU, that eight letters and three words na inilaan mo all this time. All you can do is cry and you can’t help but to cry ’cause it’s worth crying for. The emotion, the joy inside you it was like your gonna burst because this is just too much… Having that person is just too much. Mapapaisip ka na lang do I really deserve this person? But you deseve him/her, you deserve every kiss, every hug and every moment that you spent with him/her…

 

That’s why I’m learning to wait for that person… and I’m waiting until the right time… Pero while waiting I have to be perfect for that person -not perfect as in perfect, but perfect for you… 🙂

 

And I’ll enjoy waiting cause I know that your just out there patiently waiting for me as well… I really do wish to find you soon love. Be patient for me…

 

Someday babasahin namin to’ng post ko and we will feel greatful that we both waited…

 

THE WHO?

 

THE WHO???

 

Hindi ako sigurado kung ano na siya eh…

malapit lang siya sa’min medyo…

 

hindi sa bahay namin malamang… sa BAY.

hindi ko intensiyon na i-feature ang balikat niya pero na-feature ko… sa masasagasaan *sorry na*…

tawagin natin siyang si *nelsito gumez*… [malamang malapit na yan sa tru]

 

si nelsito gumez ay mabait… cool?? -di ko sigurado; di kaya kami close…-

nung isang beses natulog ako sa quarters…

[*tinginingininging*]

8.oo ang simula ng shift at 7.3o na yari ako kay super- E [magkukwento ako tungkol kay super-E…one of this days] anak ng anay yari na talaga ako…

 

TUMAYO AKO… [langitngit sa kama]

 

NAGSAPATOS… [mejo basa ang mejas…]

 

TUMAKBO [eto ang ‘wrong mistake’ ko… dahil sa kasalukuyan pala ng mga panahon na yun naglalakad si nelsito gumez papunta kung saan di ko malaman…]

(sa pagpapatuloy)

Tumakbo ako…

*TAKBO*

*TAKBO*

*TAKBO*

natanaw ko na si nelsito gumez form afar… $^#T na malagkit pa sa bico!!!

[corrected by: hindi ako nacoconutcious wrong timing @ the worng place lang talaga siya… -o ako???-]

 

ang nakakabaliw sa kwento na ‘to… nang malapi na ako sa water dispenser may kung sinong poncio pilato ang nagkalat ng tubig sa sahig na marmol… *gudlak*

 

kaya ayun dahil sa @&$^(%#%a*% tubig at dahil sa hindi ‘spikey’ ang sapatos ko it’s too late… ayon nga kay pareng einstein…

 

LAW OF GRAVITY

at dahil pinaglihi ako sa ipis na merong micro na utak ayun humalik ang aking mamahaling muka sa mas mamahaling marmol ng office…

 

oO nakita niya o_O

ooooLala!

 

pero dahil nga pinaglihi ako sa ipis na merong micro na paguutak hindi ko naisip ang salitang *KAHIHIYAN*… tumayo lang ako and once again TUMAKBO…

 

nakita niya aling tonyang! anak ng higad…

 

LUMIPAS ANG TATLONG BUWAN…

3.o0 ang shift namin… 2.32 na naghahanap ako ng station dahil hindi na available ang TIME ADJUSTMENT [whatta’F’]

[*tinginingininging*]

C10 Not available …

C9 available… kung gusto mo’ng makipagaway sa sup… kanilang bay yun… meron silang mga tracker sa station at kung asan ang mga agent???

 

malay niyo uso sa kanila ang ‘invisibility cloak’ ni pareng harry potter…

 

C8, C7 at C6 puno na… may station!!! *tada!* walang hardphone!

 

C5 at C4 wala na ko’ng maisip na excuse…

 

basta sa C1 ako pumuwesto no’n pangatlo sa last…

 

dun ko siya muling nakita…

dumating na ang mga teammates ko…

 

4.37 [hindi sigurado] extended lunch…

 

teka, bakit siya tumitingin??? anak ng tipaklong sa sows ng palabok! NAAALALA niya pa ang nakalipas namin!!!

*PANIC???*

hindi ah… wala lang sakin yun…

 

pero anak talag ni aling maring! tumitingin talaga siya dudes!!!

 

-feeling?> i-encode mo whatta heck bakit ang lupit mo tadhana???

 

starting nun parang straight 3 days kami malapit sa kanya… wala lang sakin…

 

kung ano man ang nakalipas, lumipas na yun…

 

gusto ko’ng tumawa sa kamiserablehan ng post na ‘to…

 

pero… merong iba sa pakiramdam ng putik sa katawan ko…

 

Kelangan ko’ng i-upgrade ang utak ko…

 

sige magd-download ako ng maraming application para guman ‘to ng tunay at tapat…

 

PAALAM na muna…

 

PS. kung ipapabasa po siya sa officemates mangyari po lamang na maging discreet tayo… maraming salamat po!

 

 

 

 

 

welcome sakin

dahil sa paghihintay ng isa….

hindi dalawang oras sa sahod nakagawa ako ng blog na di sinasadya… (weird…)

antok, pagod, stress at ingay… Yan ang environment ko dito…

Bakit ako nagb-blog? ala nainggit lang… kung may makakabasa??? yan ang di ko alam…

Nabalitaan ko dati maraming dumadami pera dahil sa blog… actually madami na ‘kong blog weh… MULTIPLY, BLOGGER, FRIENDSTER…

at pasensya… walang bumenta.

Wala pa ‘ring sahod…

Mel: ‘Wala pa ring sahod!’

Pac’s: ‘Wag mo hintayin tumatagal lalo…’

Ako: …type, ala masulat sa bago ko’ng blog… eh gutom weh.

Kumain kami kanina ng PALABOK, -actually hindi ko din alam kung palabok yun sabi nga namin ni Ate Lee ‘isa siyang pagkakamali…’ at totoo yun- PALABOK ang kulay lasang PASTA…

mahilig ako sa palabok, meron ako’ng paboritong bilihan ng palabok sa amin. Sabi ng ate ko lasang panis daw, -hindi naman amoy siguro pero masarap siya…-

Minsan naguguluhan ako sa PALABOK at PANSIT… Kung bakit… ewan ko ba?

basta may kalamansi ‘kala ko PANSIT… Natutuwa naman ako sa katangahan ko.

Hindi ako marunong magluto ng PALABOK, bakit ko naman siya pagaaralan kung pwede ko namang bilihin lang… [diba diba???]

lugaw ang kaya kong lutuin… Nagluto ako ng lugaw isang beses isang Kaldero [yung extra large; alang joke…] may laman siyang ADIDAS, natutuwa naman ako sa kinalabasan para siyang BICO na may paa ng manok… [puti nga lang pero parang ganun nga…]

Ala pa ring sahod… kwento pa.

Ang layo ng bahay namin sa Office kelangan ko’ng sumakay ng MRT at BUS tapos JEEP at kung adik ka kelangan mo’ng mag-tricycle… adik ako kaya ganun…

sa MRT nagtataka talaga ako… kung anong pinagtatakhan ko RATED PG yun… alam ko’ng alam yun.

sa BUS nakaka-stiffneck [oo, hindi ako sigurado sa spelling niyan wag ng mamuna…]

sa JEEP… mabaho. Yun na

sa TRICYCLE para sa maarte

may sahod na! G2G natuwa naman ako… WITHDRAW NA!!!

Kamotmadamot ft. starlet

Inis ako…

BAY DESIGN? what the *F*

sexy star:  “COREECT!”

ala-siyete na ako nakauwi kahapon…

Nag-TAXI… […sosyal??? mali ka starlet laki ng binayad ko noh kaya sahod ko simot…]

starlet: “magkano??”

——–> P. 180.00. mula shaw hangang taft… OO taft! at salamat sa #@^%*/! traffic na yan…

starlet: “bakit ka ba nag-taxi??”

——–> ang takte…. alam mo bang umabot sa labasan ang pila para sa MRT! *awww* oo ganun talaga…

starlet: “bakit di ka nagbus??”

——–> Gudlak talaga sa paguwi ko nun para lang ako nagpakita sa Nanay ko diba???

starlet: “bakit??”

———> DASMARIñAS CAVITE!

oo kaya inis ako, pagod, antok at LOVELESS!!! ayun ang una sa lahat…

oo starlet masaklap talaga buti ka pa may jowa ka kamuka ni survivor sabi ni te cha…. sa’n mo napulot yun???

starlet: ” sa’n niya ko napulot! [with kulot]…

——-> gusto mo ba talagang sagutin ko yan???

mabalik tayo sa lovelife ko… teka, MERON ba??!

starlet: “WALA”…[ yan ang akala mo…. :p]

starlet: “sino???”

——–> basta malapit lang siya sa’tin…

starlet: “g@^* ka cLue!”

——–> ghe… mataas siya sau… hindi literal malamang….

EM: Gago di ko magets! =)

[siya si starlet at umeskapo na siya sa pagd-design… ibang team na siya…]

bakit siya naging si starlet??? si ate cha ang may kagagawan… kung bakit…

EWAN KO… o_O

it must be the shirt…

inaantok na ako ang maganda ngayon… uuwi na kami…

ADIOS…

-to be cont…